Marami akong nakikitang o naririnig na mas maganda raw ang Dream High 1 kesa sa Dream High 2. Hindi naman maiiwasan ipagcompare yun eh, diba? ‘Di ko pa tapos ang Dream High 2 pero sobrang na-eenjoy ko siya. ‘Di ko alam, siguro dahil masyado akong kinikilig at naaliw kela Jr. at JB. Haha.
Naisip ko, susubaybayan ko sa KBS ang Faith. Tapos biglang nakita ko, sa SBS pala yun.

At dahil nagpasa ng Form 2 kanina, naalala ko na naman yang College na ‘yan.
May dalawang course kasi akong pinagpipilian: Chemical Engineering at BS Pharmacy. Ang layo no? Di naman. Hahaha.
Bata pa lang ako, gusto ko na talaga maging Pediatrician. ‘Yun talaga pinangarap ko. Mahilig kasi ako sa bata. Tapos parang ang saya pang maging doctor. Parang ang cool kasi. Then nung first year, nagbakasyon kami sa tito ko. May pharmacy siya. Since gusto ko naman daw mag-med, BS Pharmacy na lang daw kunin ko para pagka-graduate ko, kukunin nila ako agad as Pharmacist at sumesweldo na ako habang tinatake ko specialization ko. Pero ngayong 3rd year, feeling ko ang kapal ng mukha ko kasi di naman ako ganun kagaling sa science. Tapos nadiscover ko yung Chemical Engineering. Since mas gamay ko ang math and gusto ko ng Science, naisip kong ito na lang kunin ko. Bukod sa math-related course siya, 5 years lang. Ang tagal kasi pag nag-medicine ako. Sobraaaa.
Sobrang nalilito talaga ako kung anong kukunin ko dito sa dalawang ‘to. Gusto ko ng math-related course, pero gusto ko doctor ang trabaho ko. Eh kung kunin ko kaya ‘tong dalawang course na ‘to para mas masaya? Loljk. HAHAHAHA.
Sobrang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Grabe. May time talaga n di ko naiintindihan sarili ko eh. May time na bigla akong malulungkot tas magdadrama ako tas mamaya biglang sasaya. Ugh. Kainis lungsss.
Actually may gusto talaga akong ipost eh. Di ko alam kung pano ko ieexpress dito.
Ang tagaaaaal ko nang hindi nag-tumblr. Medyo nakakamiss rin pala. Haha.
Nakakainis talaga yung feeling tuwing titingnan ko profile mo tapos magsisisi lang rin ako sa huli kasi may mga makikita akong di kanais-nais. Sakit lang dre, tagos eh =))))
older »
© THEME BY MCSEEDY
THIS SITE IS BEST VIEWED ON MOZILLA FIREFOX WITH A SCREEN RESOLUTION OF 1280 X 800.




